Isabel Granada, ginawaran ng full military honors ng Philippine Air Force

PHOTO Courtesy of Jericho Aguas

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga labi ng aktres na si Isabel Granada.

Sinalubong ang labi ng kaniyang anak at asawa, gayundin ng mga kaibigan at maging ng dati niyang mister.

Photo courtesy of Chuckie Dreyfus

Agad ipinroseso ang mga dokumento sa import warehouse ng Philippine Airlines bago tuluyang dalhin sa Arlington Funeral ang mga labi ng Actress.

Ayon kay Col. Butch Guevarra, ginawaran ng arrival honors si Granada dahil dati siyang nagsilbi bilang enlisted personnel ng PAF at may ranggong second class sergeant.

Dadalhin naman ang mga labi ng aktres sa Sanctuario de San Jose Parish sa Greenhills, San Juan para doon iburol.

Magkakaroon din ng public viewing simula alas 10 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon bukas, araw ng Biyernes.

Samantala, ibinahagi ng kaibigan ni Isabela na si Bianca Lapus sa kanyang Instagram account ang larawan ng isusuot ni Isabel sa kanyang burol.

Ayon kay Bianca, simple at classy ang dress na isusuot ni Isabel at magmimistula siyang si sleeping beauty.

 

 

 

 

 

 

Read more...