Bagyong Salome lumakas pa, signal #1 nakataas sa maraming lugar kabilang ang Metro Manila

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2017 - 11:31 AM

Lumakas pa ang tropical depression Salome habang tumatawid sa Ticao Pass.

Huling namataan ang bagyo sa 50 kilometers south Southwest ng Juban ,Sorsogon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Dahil sa nasabing bagyo, itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:

(LUZON)

  • Metro Manila
  • Rizal
  • Bataan
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon
  • Masbate
  • Ticao and Burias Islands
  • Romblon
  • Marinduque
  • Quezon
  • Laguna
  • Cavite
  • Batangas
  • Oriental Mindoro
  • Occidental Mindoro

 

(VISAYAS)

  • Northern Samar
  • Eastern Samar
  • Samar
  • Leyte
  • Biliran

Ngayong hapon, inaasahang tatahakin ni Salome ang Sibuyan sea.

Ang mga residente sa mga lugar na nakasailalim sa signal number 1 kabilang ang mga nasa bahagi ng eastern section ng Central Luzon ay pinapayuhan na maging alerto sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Metro Manila, Pagasa, SalomePH, signal number 1, Tropical Depression, Weather in Philippines, Metro Manila, Pagasa, SalomePH, signal number 1, Tropical Depression, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.