Maliban sa year-end bonus at cash gift, 14th month pay, makukuha na rin ng mga empleyado ng gobyerno

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2017 - 11:18 AM

Inquirer Photo | Ben De Vera

Hindi lang year-end bonus at cash gift ang matatanggap ng mga empleyado ng gobyerno sa susunod na linggo kundi maging ang kanilang 14th month pay.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Sec. Benjamin Diokno, sabay-sabay na ibibigay ang year-end bonus, cash gift at 14th month pay sa lahat ng kwalipikadong tauhan ng gobyerno.

Sa November 16 inaasahang matatanggap na ito ng mga kawani ng pamahalaan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Diokno na ito na ang ikalawang taon na makatatanggap ng 14th month pay ang mga empleyado ng gobyerno.

Ang kanila namang 13th month pay ay naibigay na noong buwan ng Hunyo.

Aabot sa kabuuang P32.8 billion na budget ang inilaan para sa 14th month pay ng lahat ng empleyado ng gobyerno habang P6.9 billion naman para sa kanilang cash gift.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 14th month pay, Bonus, cash gift, DBM, government workers, 14th month pay, Bonus, cash gift, DBM, government workers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.