Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa ilang lalawigan dahil sa bagyong Salome

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa mga lalawigag apektado na ng malakas na buhos ng ulan dahil sa bagyong Salome.

Sa abiso ng PAGASA, yellow warning level ang itinaas sa Sorsogon at Northern Samar.

Binalaan ng PAGASA ang mga residente sa dalawang lalawigan na maari silang makaranas ng pagbaha at landslides dahil sa patuloy na pag-ulan.

Samantala, ang iba pang lugar na apektado ng bagyo ay nakararanas na rin ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan.

Kabilang dito ang mga lalawigan ng Quezon, Batangas, Laguna at Cavite.

Apektado naman ng light hanggang moderate rains ang Metro Manila, Rizal at Bulacan.

 

 

 

 

 

 

Read more...