LPA sa Northern Samar, isa nang bagyo; signal number 1 itinaas ng PAGASA sa 19 na lugar sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2017 - 09:43 AM

Isa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Northern Samar.

Sa weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo na pinangalanang Salome ay huling namataan sa bisinidad ng Mondragon, Northern Samar.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras. Kumikilos ang ito sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Dahil sa nasabing bagyo, itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Camarines Sur
  • Albay
  • Sorsogon
  • Masbate
  • Ticao Island
  • Burias Island
  • Romblon
  • Marinduque
  • Southern Quezon
  • Laguna
  • Cavite
  • Batangas
  • Oriental Mindoro
  • Occidental Mindoro
  • Northern Samar
  • Eastern Samar
  • Samar
  • Leyte
  • Biliran

Ayon sa PAGASA, makararanas ng malakas na ulan ang mga lugar na sakop ng storm warning signal number 1, gayundin ang nalalabi pang bahagi ng Bicol region, CALABARZON, eastern section ng Central Luzon at maging Metro Manila.

Sa Sabado pa inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: northern samar, Pagasa, SalomePH, Tropical Depression, Weather in Philippines, northern samar, Pagasa, SalomePH, Tropical Depression, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.