3 OFWs na kauuwi lang ng bansa galing Kuwait, nabiktima ng Salisi Gang; P98K na cash ang natangay

By Mark Gene Makalalad November 09, 2017 - 07:51 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Nauwi sa wala ang inipon ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs) na kauuwi lamang galing Kuwait matapos matangay ng isang myembro ng Salisi Gang ang kanilang pinaghirapan sa pagiging domestic helper ng taon.

Aabot sa kabuuang P98,000 ang halaga ng pera na na natangay ng suspek nq nakilalang si Gabriel Ruth mula sa 3 suspek.

Ayon sa mga OFW, na nagsumbong sa Pasay City Police, nasa waiting area sila ng NAIA Terminal 2 nang bigla silang lapitan ng isang babae at nakipagkaibigan sa kanila.

Nagpakakampante naman sila at pumayag sa alok nito na magsama sila sa Hotel para magpalipas ng gabi.

Makaraang magsama ng ilang oras, nagyaya ang suspek sa mga biktima na kumain sa labas at siya raw ang gagastos sa lakad.

Nang dumating na sa restaurant, binigyan ni Ruth ang mga biktima ng P700 para mag-order ng pagkain.

Nagpaalam ang ang suspek na magwi-withdraw ito ng pera sa ATM machine.

Doon na tumakas ang suspek dala ang susi ng hotel. Pinasok nito ang kwarto nila at tinagay ang pera ng mga biktima kasama ang mga cellphones at pasalubong na dala galing Kuwait.

Todo naman ang pagsisisi ng mga biktima dahil sa pagtitiwala sa hindi nila kakilala.

Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang suspek.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, Salisi Gang, Three OFWs from Kuwait, Radyo Inquirer, Salisi Gang, Three OFWs from Kuwait

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.