Binabantayang LPA ng PAGASA, magiging ganap na bagyo sa susunod na 12-oras

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa 85 kilometers East ng Catarman, Northern Samar.

Sa pagitan ng alas 3:00 at alas 3:30 ng madaling araw kanina, tumama ang sirkulasyon ng LPA sa Northern Samar.

Ayon kay PAGASA weather specialist Robb Gile, sa susunod na dose oras ay magiging ganap na bagyo ang LPA at papangalanang “Salome”.

Tatawid ito sa bahagi ng Southern Luzon at Visayas ngayong araw.

Ang nasabing LPA ay makapaghahatid ng katamtaman hanggang s amalakas na pag-ulan Bicol Region, Samar Provinces, Metro Manila, nalalabing bahagi ng Visayas, CALABARZON, MIMAROPA at sa lalawigan ng Aurora.

Northeast Monsoon naman ang umiiral sa of Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley at nalalabi pang bahagi ng Central Luzon.

 

 

 

 

 

 

Read more...