Dry run sa “Alalay sa MRT 3” isinagawa ng MMDA
Nagsagawa ng dry run ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa ipatutupad nitong “Alalay sa MRT3” na layong maasistihan ang mga pasaherong araw-araw ay nakararanas ng kalbaryo sa pagsakay sa tren.
Apat na bus ang magkakaloob ng libreng sakay sa mga pasahero mula alas 6:00 hanggang alas 9:00 ng umaga sa North Avenue station, at ang drop-off point ay sa Ortigas at Ayala Stations.
Sa hapon naman, alas 5:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi ang libreng sakay sa mga bus, kung saan mula Taft Avenue ay ihahatid ang mga pasahero sa North Avenue.
Maliban sa mga bus na magbibigay ng libreng sakay, may 20 pang bus na ide-deploy para alternatibong masakyan ng mga pasahero na ang pamasahe ay kapareho ng sa MRT.
Sa sandaling maging matagumpay ang dry run, bukas, araw ng Biyernes ay sisimulan na ang regular implementation ng proyekto.
Tatagal ang pagpapatupad nito ng 3 hanggang 6 na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.