Pilipinas, maaaring ideklarang bird flu-free bago mag-Pasko

By Rhommel Balasbas November 09, 2017 - 03:59 AM

Maaari nang makamtan ng Pilipinas ang bird flu-free status nito sakaling makumpleto ng gobyerno ang disinfection process nito sa virus.

Ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI) Director Ronnie Domingo, ang bird flu-free status ay posible nang maideklara sa December 20.

Ito ang ibinunyag ni Domingo at nang tanggapan sa pagpapasinaya ng Department of Agriculture (DA) sa kanilang proyektong ”Karne, Isda, Supply Suporta sa Masa at Ekonomiya.”

Kailangan lamang anya na magsumite ang BAI sa World Organization for Animal Health (OIE) ng report na nakontrol na ang pagkalat ng naturang virus.

Ayon kay Domingo, kinikilala ng OIE na bird flu-free ang isang bansa kapag wala nang naitalang bagong outbreak 90 araw matapos isagawa ang disinfection sa mga apektadong lugar.

Sa Pilipinas, matatapos ang 90 araw sa December 20.

Nauna nang sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na wala nang naitalang outbreak sa bansa kasunod ng kanyang deklarasyong tapos na ang krisis noong Setyembre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.