Ito ang lumalabas sa pinakabagong listahan na inilabas ng World Bank sa kanilang Ease of Doing Business List.
Ang Singapore ang nangunguna sa Asya at Top 2 sa buong mundo ay sinusundan ng South Korea.
Isinagawa ang pag-aaral mula June 2 noong nakaraang taon hanggang June 1 2017.
Kabilang sa mga salik na tiningnan ay tulad ng dali ng paglalatag ng negosyo, elektrisidad, contract enforcement, buwis at bankruptcy proceedings.
Ang Brunei, Thailand at India naman ang Top 3 improvers sa naturang tala.
Ang Japan na itnuturing bilang third largest economy sa buong mundo ay pang-34 sa ranking.
Samantala, pang-17 naman ang Pilipinas sa Asya at pang 113 sa buong mundo.
Itinuturing naman ang mga bansang Bangladesh, Pakistan at Myanmar na pinakamababa sa listahan sa buong rehiyon.