Senator Juan Ponce Enrile, isinugod sa ospital dahil sa dengue

enrile-walk-0819Isinugod sa ospital si Senator Juan Ponce Enrile dahil sa ilang araw nang nararanasang sinat.

Ayon sa anak ng senador na si Katrina Ponce-Enrile, kaninang umaga dinala sa Makati Medical Center ang kaniyang ama at batay sa pagsusuri, kumpirmadong mayroon itong dengue.

Hindi pa aniya alam ng kanilang pamilya kung saan nakuha ng senador ang dengue, pero noong nakaraang weekend ay nakauwi ito sa kanilang hometown sa lalawigan ng Cagayan.

Maliban sa dengue, patuloy din ang monitoring ng mga doktor sa kidney, diabetes at heart condition ng senador.

Nasa Los Angeles sa California ngayon si Katrina pero lagi umano siyang tumatawag para malaman ang kondisyon ng kaniyang ama.

Ang mga apo ni Senator Enrile kina Katrina at Jack Enrile ang naghahalili sa pagbabantay sa kaniya sa ospital.

Read more...