Vendor, patay matapos barilin sa Tondo, Manila

By Mark Makalalad November 09, 2017 - 03:26 AM

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Delpan St. corner Saragosa Brgy 32, Tondo, Manila.

Naliligo na sa sariling dugo ang biktima nang madatnan ito ng mga pulis alas-10:15 ng gabi ng Huwebes.

Ayon sa Delpan PCP, nakatanggap na lang sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na mayroon isang lalaking pinaulanan ng bala sa Delpan.

Kinilala ang biktima na si Abdul Patak Cabugatan, 23 taong gulang at vendor ng mga accessories at mga speaker sa Quiapo.

Ayon naman sa kapatid ng biktima na si Junaid Cabugatan, wala siyang kakilalang kaaway ng kapatid.

Tama sa ulo at mga tama sa katawan ang inabot ng biktima na naging dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng bala na nagkalat sa lugar.

Patuloy na inaalam ng mga otoriad ang motibo sa pamamaril, pati na ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.