Motorcycle rider na walang helmet, nahulihan ng shabu sa checkpoint sa Quezon City

By Justinne Punsalang November 09, 2017 - 03:23 AM

Hinuli ng mga otoridad ang isang motorcycle rider sa isang checkpoint dito sa Barangay Greater Lagro sa lungsod Quezon matapos itong mahulihan ng iligal na droga at malaking halaga ng pera.

Kinilala ang rider na si Bernhard Gagarin, 37 taong gulang at residente ng Barangay Krus na Ligas.

Pinara ng mga tauhan ng QCPD Station 5 na nagbabantay sa naturang checkpoint ang rider dahil wala itong suot na helmet.

Matapos hanapan ng mga dokukento ay wala naman itong naipakita kaya ininspeksyon ng mga otoridad ang motor at ang suspek, kung saan nakita ang isang sachet ng shabu at ₱350,000 cash.

Umamin naman si Gagarin na isa siyang drug courier at ireremit sana niya ang pera sa isang lalaking kinilala lamang sa alyas na Anok.

Itinurn over na ng mga pulis ang suspek sa Philippine Drug Enforcement Agency para sampahan ng kauhulang kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.