Nakasagupa ng 61st Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga suspek sa Barangay Putian sa bayan ng Cuartero. Ito ay makaraang rumesponde ang mga sundalo sa mga ulat ng umano’y pangingikil sa lugar.
Wala namang casualty sa pwersa ng gobyerno.
Kinilala ang isa sa suspek na nasawi bilang si Remy Beraye, political science graduate ng West Visayas State University. Batay sa Spire university yearbook, si Beraye ay nagsilbi ring vice chairperson ng Universidad, at chair ng militanteng grupo na League of Filipino Students.
Tinukoy ang dalawa pang hinihinalang komunistang rebelde bilang sina Federico Diaz at Alan Lerona.
Ayon kay Lt. Col. Sisenando Magbalot Jr., komander ng 61st Infantry Battalion, si Diaz ang nagsislbing vice commander at si Lerona ang finance officer ng rebel unit na mayroong 30 myembro.
Itinuturing ng militar na malaking dagok sa NPA sa Isla ng Panay ang pagkasawi ng mga ito.
Narekober sa tatlong umano’y myembro ng NPA ang AK-47 rifle, M16 rifle, isang granada, dalawang laptop computers, cellphones, at iba pang personal na kagamitan.