3 umano’y lider ng NPA at 1 myembro sa Capiz, patay sa engkwentro

By Rohanisa Abbas November 09, 2017 - 03:21 AM

Patay sa engkwentro ang tatlong hinihinalang myembro ng New People’s Army, kabilang ang isang dating student leader sa Capiz.

Nakasagupa ng 61st Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga suspek sa Barangay Putian sa bayan ng Cuartero. Ito ay makaraang rumesponde ang mga sundalo sa mga ulat ng umano’y pangingikil sa lugar.

Wala namang casualty sa pwersa ng gobyerno.

Kinilala ang isa sa suspek na nasawi bilang si Remy Beraye, political science graduate ng West Visayas State University. Batay sa Spire university yearbook, si Beraye ay nagsilbi ring vice chairperson ng Universidad, at chair ng militanteng grupo na League of Filipino Students.

Tinukoy ang dalawa pang hinihinalang komunistang rebelde bilang sina Federico Diaz at Alan Lerona.

Ayon kay Lt. Col. Sisenando Magbalot Jr., komander ng 61st Infantry Battalion, si Diaz ang nagsislbing vice commander at si Lerona ang finance officer ng rebel unit na mayroong 30 myembro.

Itinuturing ng militar na malaking dagok sa NPA sa Isla ng Panay ang pagkasawi ng mga ito.

Narekober sa tatlong umano’y myembro ng NPA ang AK-47 rifle, M16 rifle, isang granada, dalawang laptop computers, cellphones, at iba pang personal na kagamitan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.