Yolanda housing project hindi aabandonahin ng gobyerno

By Chona Yu November 08, 2017 - 04:05 PM

Inquirer photo

Kasabay ng paggunita ng ika-apat na anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda, tiniyak ngayon ng Malacañang na committed ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang pagpapatayo ng mga pabahay sa mga nasalanta ng bagyo sa lalawigan ng Leyte.

Ibinida pa ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang shelter assistance sa Tacloban City ang pinaka- matagumpay na modelo sa Yolanda permanent housing program kung saan 10,703 na housing units mula sa kabuuang 14,433 pabahay ang okupado na.

Sinabi pa ni Roque na habang inaalala ang anibersaryo ng bagyo ay hindi aniya dapat kalimutan ang mga leksyon na iniwan ng trahedya.

Idinagdag pa ng opisyal na ang bagyong Yolanda ay kwento ng tapang at malasakit.

Kasabay nito, hinimok ng Malacañang ang publiko na magkaisa at ipakita ang pagiging matatag ng mga Pinoy.

TAGS: hosuing project, leyte, Roque, Tacloban City, yolanda, hosuing project, leyte, Roque, Tacloban City, yolanda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.