Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mananagot sa batas ang mga opisyal ng Correctional Institute for Women (CIW).
Ito ay makaraan ang isinagawang raid ng PDEA sa nasabing kulungan kung saan ay nakakumpiska sila ng milyong pisong halaga ng shabu na nakasilid sa mga pantyliner sa kubol ng kilalang drug queen na si Yu Yuk Lai.
Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na hindi makakapasok ang nasabing mga droga sa compound ng CIW kung naging maayos ang pamamahala sa nasabing kulungan.
Naniniwala rin ang opisyal na may mga kasabwat si Yu sa loob ng CIW kaya’t patuloy nitong nagagwa ang kanyang iligal na gawain.
Kanina ay naisalang na rin sa inquest proceedings ang anak ni Yu na si Dianne na nakuhanan rin ng PDEA ng shabu sa kanyang condo unit ilang metro lamang ang layo sa Malacañang.
Pati ang pulis na tumatayong bodyguard ni Dianne ay isasalang rin sa malalimang imbestigasyon ng PDEA ayon pa kay Aquino.