Maintenace work ng MRT 3 hindi kakayanin ng DOTr ayon kay Biazon
Sinabi ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na dapat gumawa muna ang pamahalaan ng transition process para sa pamamahala sa maintenance work ng MRT 3 mula sa pribadong sektor.
Sa ganitong paraan ayon kay Biazon ay maiiwasan ang glitches sa operasyon ng rail system lalo’t wala namang expertise ang pamahalaan dito.
Posible rin umanong ito ang dahilan kaya sunud-sunod ang aberya ng MRT 3 makaraang kunin ng Department of Transportation ang full control sa maintenance ng mga tren.
Noong Lunes ay tinapos na ng DOTr ang kontrata ng Busan Universal Transportation Inc. (BURI) makaraan ang sunud-sunod na aberya sa operasyon ng MRT 3.
Sinabi ni Biazon na batid niya ang problema sa nasabing rail system dahil siya mismo at madalas na sumakay sa mga tren ng MRT 3.
Ilan sa mga nakitang pagkukulang ng mambabatas ay ang kakaunting mga taon ng DOTr na siyang tututok sa operasyon ng naturang train system.
Nauna nang sinabi ni DOTr Usec. Cesar Chavez na hindi lalampas sa anim na buwan ang magiging pagtutok nila sa maintenance work ng MRT 3 dahil kailangan umano itong maibalik kaagad sa pangangalaga ng mga ekperto.
Binanggit rin ng kailihim na nakausap na nila ang orihinal na supplier ng mga piyesa ng mga tren ng MRT kaya makaka-asa umano ang publiko na kaagad na maisasa-ayos ang operasyon nito sa mga susunod na linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.