Sa kanyang post sa Mocha Uson Blog, sinabi nito na kung nakasakit man siya ng damdamin ng ilang mamamahayag, ito ay kaniyang ihinihingi ng dispensa.
Sinabi pa ni Uson na siya na ang lumalapit sa sa mainstream media kasabay ng paghingi ng pakikipag-tulungan sa mga ito para maayos ang bayan.
Paglilinaw ni Uson, hindi niya hinihingi na huwag batuhin ng kritisimo ang administrasyon kundi ang nais lang niya ay maging patas sa paglalahad ng mga balita.
Gayunpaman, binigyang-diin ni Uson na hindi magbabago ang negatibo niyang pagtingin sa Rappler, Inquirer at ABS-CBN na aniya’y hindi niya tatantanan.
Kasabay nito’y nanawagan din si Uson sa mga ka-DDS o mga Duterte diehard supporters na ipagpatuloy ang pag-iingay at maipabatid sa buong mundo na maayos ang lagay ng Pilipinas sa ilalim ng Duterte administration.