8 ektaryang palayan, naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro
(UPDATE) Kontrolado na ang oil spill sa bahagi ng Calapan, Oriental Mindoro.
Nililinis na ng DMCI ang oil spill sa kanilang power plant, na matatagpuan sa Barangay Sta. Isabel.
Hinihigop na ang langis na tumagas, upang hindi na kumalat pa.
Nauna nang sinabi ng Philippine Coast Guard o PCG na ang oil spill ay bunga ng tumagas na langis mula sa planta ng kuryente na pag-aari ng DMCI.
Nagsalin ng bunker oil sa nasabing planta hanggang sa umapaw ito.
Aabot sa walong ektaryang palayan ang apektado ng oil spill, at umabot na rin sa sapa.
Sa kabutihang palad ay walang residential area ang naapektuhan ng oil spill.
Tiniyak naman ng pamunuan ng DMCI na iimbestigahan nila ang pangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.