Magat Dam, magpapakawala ng tubig

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2017 - 11:14 AM

Magpapakawala ng tubig sa Magat Dam dahil sa patuloy na pag-ulan na nararanasan sa lalawigan ng Isabela sanhi ng pag-iral ng Northeast Monsoon.

Sa abiso ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng Isabela, anumang oras ay magpapakawala ng tubig mula sa Magat Reservoir.

Tinatayang aabot sa dalawang daang metro kubiko bawat segundo (200 cms) ang pakakawalang tubig na maari pang madagdagan depende sa lakas ng ulan na mararanasan sa bahagi ng watershed.

Pinayuhan ng Isabela PDRRMC ang ang mga nakatira malapit sa Ilog Magat, Cagayan River, at Pinacanauan River, na iwasan ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog dahil posibleng makaranas ng paglaki ng ilog sa kasagsagan ng pagpapakawala ng tubig sa dam.

Muling maglalabas ng abiso ang PDRRMC hinggil sa estado ng pagpapakalawa ng tubig sa Magat Dam Spillway.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: isabela, Magat Dam, PDRRMC, Spillway, isabela, Magat Dam, PDRRMC, Spillway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.