Dating Pangulong Aquino sinampahan na ng kaso sa Sandiganbayan kaugnay sa Mamasapano incident

By Isa Avendaño-Umali, Jan Escosio November 08, 2017 - 10:55 AM

INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Nagsampa na ng kaso ang Office of the Ombudsman laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa Sandiganbayan, kaugnay sa Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 2015.

Sa Oplan Exodus, napatay ang isa sa most wanted terrorist na si Zulkifli Binhir alyas Marwan, subalit nalagas naman ang apatnapu’t apat na miyembro ng Special Action Force o tinaguriang SAF 44.

Mga kasong graft at usurpation of official functions ang isinampa ng government prosecutors laban kay Aquino.

Taliwas ito sa inihaing reklamo ng mga kaanak ng SAF 44 sa Ombudsman kontra kay Aquino na reckless imprudence resulting in homicide, subalit hindi ito kinatigan ng ant-graft body sa rasong walang matibay na ebidensya.

Nauna nang sinampahan ng kaso ang mga kapwa akusado ni Aquino na sina dating Philippine National Police o PNP Chief Alan Purisima at dating SAF Director Getulio Napeñas.

Sa impormasyon ng kaso, pinapanagot si Aquino sa Mamasapono encounter dahil ilegal daw ang pagpayag nito na isakatuparan ang operasyon sa ilalim ni Purisima, gayung suspendido siya sa serbisyo.

Maalalang pinatawan ng suspensyon si Purisima dahil sa kaso nitong may kinalaman sa umano’y anomalya sa courier service sa lisensya ng mga baril.

P40,000 ang inirekumendang piyansa kay Aquino o sampung libong piso para sa kasong usurpation of official functions, habang tig-sampung libong piso sa kada bilang ng graft o kabuuang P30,000.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: mamasapano, Noynoy Aquino, Office of the Ombudsman, sandiganbayan, mamasapano, Noynoy Aquino, Office of the Ombudsman, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.