“Mahal ako ni Presidente, pero siyempre may favorite siya” – Santiago
Nananatili ang respeto ang suporta ni Retired Gen. Dionisio Santiago kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos ang kontrobersyal na pagbibitiw niya sa pwesto bilang chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB).
Ayon kay Santiago, wala siyang sama ng loob sa pangulo at patuloy ang kaniyang respeto at suporta dito lalo na sa kampanya kontra ilegal na droga.
Hindi aniya siya hihiwalay sa adbikasiya ng administrasyong Duterte sa war on drugs.
“The respect is still there. The support is still there. Kambal kami sa advocacy ni Pres. Duterte sa war on drugs, bakit ako hihiwalay?” ani Santiago.
Sa ngayon, tikom pa rin si Santiago sa partikular na dahilan kung bakit kinailangan niyang magbitiw sa pwesto.
Aniya, mas mabuti na ang rason sa kung bakit siya pinagbitiw bilang DDB chairman ay magmula mismo sa Malakanyang dahil sila ang higit na nakakaalam.
Pero muling sinabi ni Santiago na maaring may mga bahagi ng Duterte admin na hindi siya gusto o hindi gusto ang kaniyang mga sinasabi.
Naniniwala si Santiago na mahal siya ni Pangulong Duterte, gayunman, sadyang may mga tao sa palibot ng pangulo na higit niyang “paborito”.
“Some people may not like my face or what I am saying. Mahal ako ni Presidente, pero siyempre pirimihang may favorite siya,” dagdag pa ni Santiago.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.