Matapos magbitiw sa pwesto si Retired Gen. Dionisio Santiago, DDB, may bago nang pinuno

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2017 - 09:23 AM

Mayroon nang naitalaga na bagong mamumuno sa Dangerous Drugs Board (DDB).

Ito ay makaraang maghain ng irrevocable resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairman ng DDB si Retired Gen. Dionisio Santiago.

Ayon kay Santiago, agad na pumalit sa kaniya si DDB Executive Director Undersecretary Jose Marlowe Pedregosa bilang officer-in-charge sa ahensya.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Santiago na matapos niyang maipasa ang kaniyang resignation, agad din niyang pinalimas ang kaniyang gamit sa kwarto upang maging malinis at maayos ito para sa papalit sa kaniyang iniwang pwesto.

“Ang sabi ko (sa staff), make the resignation brief and make it irrevocable, tapos pinalimas ko na agad ang gamit ko para magamit ng kapalit ko yung kwarto,” ani Santiago.

Ipinahanda rin ni Santiago ang lahat ng mga dokumento na kakailanganin para maging maayos ang pagpasok ng bagong pinuno ng DDB.

Ani Santiago, mas pinili niyang gawing tahimik ang pag-alis sa pwesto at hindi magkaroon pa ng turnover ceremonies.

Sa ngayon, sinabi ni Santiago na balik siya sa pribadong at aniya ay mas simpleng buhay matapos ang 44 na taong paninilbihan sa gobyerno.

 

 

 

 

 

TAGS: Dangerous Drugs Board, Dionisio Santiago, Jose Marlowe Pedregosa, Radyo Inquirer, Dangerous Drugs Board, Dionisio Santiago, Jose Marlowe Pedregosa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.