South Korea, binalaan ang North Korea

South Korean army soldiers patrol along a barbed-wire fence near the border village of the Panmunjom, in Paju, South Korea, Monday, April 8, 2013. North Korea said Monday it will recall 51,000 North Korean workers and suspend operations at a factory complex it has jointly run with South Korea, moving closer to severing its last economic link with its rival as tensions escalate. (AP Photo/Ahn Yong-joon)
(AP Photo/Ahn Yong-joon)

Nagbigay ng babala ang South Korea sa North Korea hinggil sa plano nitong paglulunsad ng long-range rocket.

Ito ay matapos ianunsyo ng North Korean Space Agency na gumagawa lamang sila ng bagong satellite.

Anila, maituturing na isang ballistic missile test ang gagawin ng North Korea.

Ayon kay South Korean Defense Ministry spokesperson Kim Min-seok, isa itong seryosong pagbabanta at panghahamon kung saan nilalabag na nito ang polisiya ng United Nations.

Inaasahan namang maglulunsad ang North Korea ng ballistic long-range missile sa susunod na buwan, kasabay ng ika-70 anibersaryo ng ruling Worker’s Party.

Sinabi naman ng North korea na nasa full operation na ulit sila ukol sa paglulunsad ng pangunahing nuclear complex.

Malalamang pangunahing pinagkukunan ng materyal ang Yongbyon reactor para sa nuclear program ng Pyongyang.

Read more...