Papua New Guinea, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang Papua New Guinea, Miyerkules ng umaga.

Ayon sa U.S. Geological Survey, naitala ang lindol sa 51 miles o 83 kilometers south ng coastal city na Wewak.

Nasa 112 kilometers ang lalim ng lindol kaya hindi ito inaasahang makapagdudulot ng pinsala.

Samantala, pinawi naman ng Phivolcs ang pangamba ng tsunami sa Pilipinas matapos ang nasabing lindol.

Tumama ang lindol sa Papua New Guinea, alas 5:27 ng umaga oras sa Pilipinas.

Ayon sa Phivolcs, hindi inaasahang makapagdudulot ng destructive tsunami ang pagyanig.

 

 

 

 

 

 

Read more...