Dahil sa malawakang pagbaha, klase sa Cagayan, suspendido pa rin
Nananatiling suspendido ang klase sa buong lalawigan ng Cagayan ngayong araw ng Lunes, November 8.
Ayon kay Cagayan Gov. Manuel Mamba, mula pre-school hanggang senior high school ang sakop ng suspensyon.
Ito ay bunsod pa rin ng pagbaha na nararanasan sa lalawigan.
Bagaman humupa na pag-ulan sa kahapon araw ay mabagal pa rin ang pagbaba ng tubig sa Cagayan River na nagdudulot pa rin ng pagbaha sa maraming bayan.
Isa na ang naitalang nasawi habang isa pa ang nawawala sa bayan ng Sta. Ana dahil sa pagbaha.
Isinailalim na rin sa state of calamity ang nasabing bayan dahil sa matinding pinsala na idinulot ng pagbaha.
Umabot naman na sa mahigit 49,000 katao o halos 9,000 pamilya ang apektado.
Tail end ng cold front at amihan ang nagpa-ulan sa lalawigan simula pa noong weekend.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.