Trump, naging mahinahon sa pagtukoy sa North Korea habang nasa Seoul

By Jay Dones November 08, 2017 - 03:10 AM

 

Sa kakaibang pagkakataon, hinimok ni US President Donald Trump ang liderato ng North Korea na pumayag sa isang dayalogo at makipagkasunod sa usapin ng tensyon sa naturang rehiyon.

Ito ang pahayag ni Trump makaraang dumating sa Seoul South Korea bilang bahagi ng kanyang Asian tour.

Sa unang araw nito sa Seoul, muli nitong inulit ang panawagan sa North Korea na iwaksi na ang nuclear program nito.

Gayunman, taliwas sa mga binitiwan nitong mga pananalita noong mga nakaraang linggo kung saan may mga halong banta para sa North Korea, sa pagkakataong ito ay mas mahinahon ang mga pahayag ng lider ng Amerika.

Giit nito, mas magiging makabuluhan para sa North Korea na umupo sa isang negotiating table at makipag-kasundo para sa kanyang mga citizens at para na rin sa buong mundo.

Sa ngayon aniya, may ‘progress’ na sa pakikipag-ugnayan nila sa North Korea.

Bagamat naka-deploy na aniya sa Korean Peninsula ang tatlong aircraft carrier at nuclear submarine ng Amerika, umaasa itong hindi magagamit ang naturang arsenal.

Matatandaang naging maanghang ang palitan ng pahayag nina Trump at ng North Korea kamakailan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.