PDEA, magsasampa na ng kaso kaugnay ng nakapuslit na P6.4-B na shabu sa bansa

By Kabie Aenlle November 08, 2017 - 02:34 AM

 

Magsasampa na rin ng mga kasong kriminal ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng pagkakapuslit ng P6.4 bilyong pisong halaga ng shabu sa bansa mula sa China.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, natapos na ng PDEA ang kanilang imbestigasyon at kumbinsido ang ahensya na mayroong probable cause para sampahan ng kaso ang mga nasasangkot dito.

Kasong drug trafficking aniya ang isasampa ng PDEA, at kabilang sa mga kakasuhan ay mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na nadadawit sa isyu.

Inihayag ito ni Roque matapos bumuo ang Office of the Ombudsman ng fact-finding panel para imbestigahan na rin ang kontrobersyal na shipment.

Matatandaang ilang pagdinig na rin sa Kongreso ang isinagawa para imbestigahan ang pagpasok ng mahigit 600 kilo ng shabu sa bansa.

Dito rin ibinunyag ng Customs broker na si Mark Taguba na may mga opisyal ng Customs na tumatanggap ng “padulas” na pera para mapabilis ang paglusot ng ilang mga kargamento.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.