Pilipinas kakapit muna sa pangako ng China sa usapin ng reclamation sa South China Sea

By Chona Yu November 08, 2017 - 01:07 AM

 

Tiwala ang Palasyo ng Malakanyang na mananatiling tapat ang China sa pangako nito na hindi magsasagawa ng anumang uri ng reclamation sa Scarbourough Shoal na bahagi ng pinag-aagawang isla sa South China Sea.

Pahayag ito ng Malakanyang sa gitna ng launching ng China ng giant dredger na island maker.

Syon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinikilala ng pangulo ang principle of good faith in international relations.

Malinaw aniya ang naging pangako ng China kay Pangulong Duterte na hindi sila magsasagawa ng anumang uri ng reclamation sa Scarborough.

Sa ngayon, sinabi ni Roque na mas makabubuting kumapit na muna ang Pilipinas sa pangako ng China.

Malinaw naman aniya ang naging ruling arbitral tribunal na ang Pilipinas ang may karapatan sa ilang isla sa South China Sea.

Sa kabila ng sigalot sa West Philippine Sea, sinabi ni Roque na mas pinili ng Pangulong Duterte na magkaroon ng maayos na pakikipag-kaibigan sa China.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.