Gordon kakasuhan ni Trillanes ng plunder sa Ombudsman

Sinabi ni Sen. Antonio Trillanes na pupunta siya sa bukas sa Office of the Ombudsman para sampahan ng plunder complaint si Sen. Richard Gordon.

May kaugnayan umano ang kanyang ihahaing reklamo sa mga anumalyang kinasasangkutan ni Gordon bilang chairman ng Philippine Red Cross.

Sinabi ng mambabatas na naglaan si Gordon ng bahagi ng kanyang pork barrel funds sa Philippine red Cross kung saan ay siya rin ang namumuno.

Malinaw ayon kay Trillanes na ginagamit lamang ni Gordon ang Philippine Red Cross para sa kanyang personal na interes at ang kanyang tanggapan mismo bilang mambabatas ang siya pang nagbibigay ng dagdag na pondo.

Ipinagyabang rin ni Trillanes na mayroon siyang mga patunay na mahigit sa P50 Million ang inilaan ni Gordon sa PRC noong mayroon pa silang pork barrel.

Magsusumite rin umano siya ng mga dokumento sa Commission on Audit para imbestigahan kung saan napunta ang mga pondong dumaan sa tanggapan ni Gordon.

Sa kanyang panig, nilinaw ni Gordon na hindi siya tumatanggap ng anumang sahod bilang pinuno ng PRC kasabay ang pahayag na kaya niyang ipagtanggol ang sarili sa mga akusasyon ni Trillanes.

Read more...