5 Calabarzon mayors inalisan ng police power
Inalisan ng kapangyarihan sa pulisya ang limang mayor mula sa Calabarzon region.
Alinsunod ito sa inilabas ng National Police Commission (Napolcom) resolution number 2017-570 may kinalaman sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa iligal na droga ang ilang alkalde sa bansa.
Agarang ipatutupad ang resolusyon na aprubado ni Department of Interior and Local Government (DILG) Officer-in-Charge Catalino Cuy.
Tinanggalan ng kontrol at operational supervision sa pulisya sina Mayor Eulalio Alilio ng Lemery, Batangas; Antonio Halili ng Tanuan, Batangas; Loreto Amante ng San Pablo City, Laguna; Cecilio Hernandez ng Rodriguez, Rizal at Raul Palino ng Teresa, Rizal.
Si Halili ay kilala bilang alkalde na galit sa mga taong nasa likod ng sindikato ng droga.
Sa command conference noong August 7, inatasan ni Duterte ang Napolcom na tanggalan ng kapangyarihan sa pulisya ang limang alkalde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.