Petition for bail ni Janet Lim Napoles ibinasura ng Supreme Court

By Alvin Barcelona November 07, 2017 - 06:31 PM

Inquirer file photo

Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Sandiganbayan sa petisyon ni pork barrel scam suspect Janet Lim Napoles na kumukuwestiyon sa pagbasura sa hirit nitong makapag-piyansa sa kasong may kaugnayan sa PDAF scam case kung saan nito co -accused si dating Senador Juan Ponce Enrile.

Ayon kay Supreme Court Spokesman Theodore Te, ibinasura ng mga mahistrado ang petisyon ni Napoles na humihiling na baligtarin ang naging resolusyon ng Sandiganbayan 3rd Division noong October 16, 2015 at March 2, 2016 tungkol sa petition for bail nito.

Sa desisyon ng SC, pinagtibay nito ang dismissal sa mga petisyon ni Napoles para makapag-piyansa dahil sa malakas ang evidence of guilt laban dito.

Naniniwala din ang Mataas na Hukuman na walang grave abuse of discretion sa panig ng Sandiganbayan nang hindi nito pinagbigyan ang petisyon ni Napoles.

TAGS: napoles, Pork scam, sandiganbayan, Supreme Court, napoles, Pork scam, sandiganbayan, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.