Pagbasa ng reklamo sa asawa ni Omar Maute hindi natuloy

By Erwin Aguilon November 07, 2017 - 04:57 PM

Video grab: Erwin Aguilon

Ipinagpaliban ng piskalya ang inquest proceedings laban sa naarestong Indonesian national na asawa ni Omar Maute.

Ito ay matapos igiit ng naarestong si Minhati Midrais-Maute alyas Baby na magkaroon ng preliminary investigation.

Wala kasing abogado si Midrais-Maute nang humarap sa piskalya.

Dahil dito, binigyan ng sampung araw ni Prosecutor Celso Sarsada ang naarestong Indonesian upang makapagsumite ng kanyang counter affidavit.

Matapos ito ay pagpapasyahan na ng pisklaya ang reklamong illegal possession of explovises na isinampa ng Iligan City PNP.

Si Midrais-Maute ay naaresto sa isinagawang operasyon ng Iligan City Police at Joint Task Force Ranao sa kanilang tinutuluyang bahay sa Steelemakers Subd., Sitio Bara-as, Brgy. Tulod, Iligan City noong Linggo ng umaga.

Nakuha kanilang bahay ang apat na blasting caps, dalawang detonating cords at isang time fuse. Nananatili naman sa kustodiya ng Iligan City Police ang suspek gayundin ang anim nitong anak.

TAGS: inquest, joint task force ranao, marawi, Maute, inquest, joint task force ranao, marawi, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.