Sabwatan ng Amnesty International at NDF-CPP-NPA ibinulgar ng CIA

Inquirer photo

New York, New York – May halong propaganda ng mga kaalyado ng Partido Komunista ng Pilipinas at mga rebeleng New People’s Army sa Pilipinas.

Ito ang analysis ng Central Inteligence Agency ng U.S mula pa sa panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Ayon sa ilang ‘commentary’ na nakapaloob sa mga ulat, sa nakalipas na dalawang dekada ay naimpluwensiyahan ng National Democratic Front –  Communist Party of the Philippines ang ilang mga pahahayag ng mga human rights group tulad ng Amnesty International.

Hindi rin isinaman sa ulat ng mga nasabing grupo ang ilang mga “atrocities” o krimen na kinasasangkutan ng mga rebeldeng grupo.

Ang nasabing ulat ay bahagi ng commentary report, na kabilang sa halos 18 milyon ‘document release’ na pinalabas sa ilalim ng Freedom of Information Act sa U.S.

Magugunitang bago bumaba sa pwesto si dating U.S President Barrack Obama ay iniutos nito ang declassification ng ilang mga report mula sa Central Intelligence Agency (CIA).

Nakalagay rin sa ulat ng CIA na hindi naniniwala ang U.S government na kagagawan ng pamahalaan ng Pilipinas ang ilang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao.

Sinabi ng CIA na karamihan sa mga ito ay “individual acts of abuse’ ng ilang tauhan ng pamahalaan tulad ng mga sundalo at pulis.

Ayon pa sa ulat ng CIA, wala silang nakikita na may pangkalahatan utos mula sa national government ng Pilipinas ang mga ibinibintang na human rights abuse.

Sinabi pa sa report na marami sa mga ulat ng Amnesty International ukol sa mga usaping may kinalaman sa civil rights ay hindi nagmula sa mismong mga grupo ng HRW or Human Rights Watch kundi sa mga front organizations ng NDF tulad ng Task Force Detainees at Bayan.

Idinagdag pa sa ulat ng CIA na hindi katanggap-tanggap ang ilang mga ulat ng Amnesty International dahil malinaw na may pakikialam dito ang mga tinaguriang “red terrorists” na nasa likod ng planong pagpapabagsak sa pamahalaan.

Read more...