Bus, nasunog sa SLEX-Alabang Viaduct

Nasunog ang isang bus sa ibabaw ng South Luzon Expressway-Alabang Viaduct southbound, umaga ng Martes.

Ayon kay Barbara Aragon, tagapagsalita ng SLEX, nagliyab ang bus ng JAC Liner bandang alas diyes ng umaga.

Naganap ang insidente sa harapan ng Asian Hospital sa Muntinlupa City.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog.

Wala pa naman napapaulat na sugatan sa nasabing insidente.

Sinabi pa ni Aragon na posibleng umabot ang mabigat na daloy ng trapiko hanggang sa Sucat.

Read more...