Ombudsman, iimbestigahan na ang P6.4-B shabu shipment mula sa China

By Mariel Cruz November 07, 2017 - 11:13 AM

Magsasagawa na ng sariling imbestigasyon ang Office of the Ombudsman ukol sa paglusot ng 6.4 bilyong pisong halaga ng shabu papasok ng bansa.

Batay sa Office Order No. 765 na inilabas ni Ombudsman Conchita Caprio Morales, nakasaad na bubuo sila ng special panel ng fact-finding investigators na mag-iimbestiga sa kontrobersyal na shabu shipment mula sa China.

Binigyan ni Morales ng 90 days ang special panel para makapagsumite ng report o recommendation kapag natanggap na ang mga ulat mula sa House committee.

Isasama naman ng Ombudsman bilang reference ang committee report mula sa Kongreso.

Sa isinagawang imbestigasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso, inirekomenda nila ang pag-abolish sa Bureau of Customs.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.