Ahente ng sasakyan, arestado sa entrapment operation dahil sa extortion

By Justinne Punsalang November 07, 2017 - 11:11 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Arestado sa entrapment operation ng Quezon City Police District – District Special Operations Unit ang isang ahente ng sasakyan.

Kinilala ang suspek na si John Dexter Julve, dalawampu’t dalawang taong gulang at residente ng Barangay Camarin sa Caloocan.

Ayon sa complainant, September ngayong taon nang magbayad siya ng downpayment sa isang branch ng car dealership sa Cainta, Rizal kasama ang suspek.

Mismong ang kahera ng naturang car dealer ang tumanggap ng kanyang deposito.

Huli na lamang nang mapag-alaman niyang matapos niyang dalawang beses magbayad ay tinangay pala ni Julve ang kanyang downpayment.

Dagdag pa ng complainant, nagbigay pa umano si Julve ng text messages na mistulang mula sa car dealership na sinasabing approved ang kanilang pagbili ng sasakyan.

Ngunit makalipas ang dalawang buwan ay wala pa rin ang sasakyan at napag-alaman ng biktima na hindi pala naproseso ang kanyang mga dokumento at tinangay na nga ni Julve ang kanyang pera.

Bukod pa dito ay nanghingi pa ng karagdagang dalawampung libong piso ang suspek para i-upgrade ang model ng sasakyan.

Aminado naman ang kahera ng kompanya na nagkaroon siya ng pagkakamali ngunit depensa niya, ibinalik niya ang mga ibinayad ng dalawang kliyente dahil nagtiwala siya kay Julve.

Napag-alaman rin ng kahera na may ilang mga pagkakataon na forged o ginagaya ni Julve ang kanyang pirma para sa ibang mga papeles.

Samantala, ayon kay Police Senior Inspector Rodante Albano, bukod sa extortion ay posible ring maharap sa large scale estafa ang suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman kung may kasabwat ba ang suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.