Duterte, malabong makapunta sa Leyte para makiisa sa paggunita sa anibersaryo ng Bagyong Yolanda

Hindi makadadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng ikaapat na anibersaryo ng bagyong Yolanda bukas sa Leyte.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay dahil sa aalis bukas ang pangulo patungo sa Da Nang, Vietnam para dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.

Ayon kay Roque, bagamat hindi makakasama ng mga biktima ng super bagyo ang pangulo, tiniyak naman nito na tinutugunan ng Punong Ehekutibo ang kanilang mga pangangailangan gaya ng mga naantalang pabahay program ng gobyerno.

Nangako rin aniya ang pangulo na papapanagutin ang mga opisyal ng gobyerno na nagpabaya sa kanilang tungkulin.

Matatandaang noong nakaraang taon, nadismaya Si Pangulong Duterte nang binisita ang pabahay sa mga biktima ng Yolanda dahil sa hindi maayos na pagkakagawa.

Read more...