Dalawang snatcher, arestado sa Barangay Batasan Hills, Quezon City
Pauwi na sana ang isang call center agent sa kanyang tirahan sa Barangay Batasan Hills, Quezon City nang bigla na lamang hablutin ang kanyang bag ng mga snatcher.
Kaagad na humingi ng saklolo ang biktimang si Myradee Romino sa mga nagbabantay na Barangay tanod sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Kinilala ang dalawang snatcher na sina Reymark Andasan, dalawampung taong gulang at Richard Salvatos, dalawampu’t dalawang taong gulang na kapwa residente sa lugar.
Ayon kay Romino, laman ng kanyang bag ang apatnapung libong cash, mga identification cards, at ilang importanteng dokumento.
Bagaman naaresto ang mga snatcher hindi naman na narekober ang bag ng biktima.
Nakadetine ngayon sina Andasan at Salvatos sa Quezon City Police District Station 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.