7 katao, arestado dahil sa pagsusugal sa Quezon City

By Justinne Punsalang November 07, 2017 - 09:44 AM

Timbog sa dalawang magkahiwalay na operasyon ng mga pulis ang pito katao sa Barangay Pasong Tamo at Barangay Doña Imelda sa Quezon City dahil sa pagsusugal.

Unang naaresto ng mga kawani ng Talipapa Police Station sina Meljun Lope, tatlumpu’t dalawang taong gulang; Bennie Abella, apatnapu’t limang taong gulang; at Christopher Samson, dalawampu’t limang taong gulang na pawang mga residente ng Barangay Pasong Tamo.

Naaktuhan ang tatlong kalalakihan na naglalaro ng tupada.

Samantala, naaresto naman sina Rey Jardin, dalawampu’t siyam na taong gulang; Jone Barsaga, dalawampu’t limang taong gulang; Jobert Barsaga, dalawampu’t pitong taong gulang; at Jose Delos Santos, animnapu’t limang taong gulang na pawang mga residente naman ng Barangay Doña Imelda.

Nagpapatrulya ang mga pulis ng Galas Police Station sa kahabaan ng Kapiligan Street nang makita ang apat na naglalaro ng pusoy.

Kasalukuyang nakapiit ang mga naarestong kalalakihan sa detention facility ng Quezon City Police District Station 3 at 11.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.