Grupong 1 Utak, naghain ng petisyon sa LTFRB kontra Uber cars
Nagsampa ng petisyon ang grupong 1-Utak sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang makansela ang operasyon ng Transpor¬tation Network Company na Uber at Grabcar.
Nakasaad sa petisyon na hindi umano ligtas ang mga pasahero dahil wala itong prangkisa at hindi rin regulated ng LTFRB ang pasahe na ipinapataw sa operasyon.
Katwiran ng 1-utak na walang malalim na dahilan upang mabigyan ng provisional authority to operate ang mga online private cars.
Matatandaang ang Uber at Grabcar ay nabigyan ng akreditasyon ng LTFRB matapos lagdaan ito ni LTFRB Chairman Winstons Gines, boardmember Ronaldo Corpuz at executive director Ro¬berto Cabrera bilang TNC o mga on-line private cars.
Tanging si LTFRB board member Ariel Inton ang hindi lumagda sa akreditasyon ng mga ito.
Ang mga sasakyan ay nagsasakay ng mga pasahero patungo sa kani-kanilang mga destinasyon, sa kabila na wala itong prangkisa o insurance para sa mga pasahero, sa oras na maaksidente ang sasakyan.
Sa oras na sumakay ang pasahero sa Uber at Grabcar taxi, P70.00 na agad ang flagdown ng mga pasahe, bagamat computerized na agad kung magkano ang ibabayad ng mga sumakay.
Bibigyan ng 15 araw ang Uber at Grabcar upang sagutin ang petisyon ng 1 Utak sa oras na mailatag ang petisyon sa LTFRB board.
Matapos nito’y isasalang naman sila sa serye ng public hearing para sa rekomendasyon hinggil sa kanilang operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.