Tatlong taon matapos gawin ang karumal-dumal na krimen, naaresto na ang itinuturing na “most wanted” sa bayan ng Laurel sa Batangas.
Hindi na nakapalag sa pagkakasukol sa kaniya ng mga pulis kahapon ang dating konsehal na si Dionisio Maramot sa Barangay Poblacion 5 sa naturang bayan.
Bukod sa pagiging dating pulitiko, sinasabing si Maramot din ang pinuno ng Maramot Criminal Group.
Ayon sa pulisya, naka-iringan ng grupo ni Maramot ang grupo ng limang biktima na nakatalo sa kanila sa saklaan noong Abril 2014.
Hinarang umano ng grupo ni Maramot ang grupo nina Michael Palbacal, Exequel Marimat, Dante Mayuga, Manolito Cuadra at Joebert Lincallo habang sila ay pauwi na.
Doon na pinagbabaril at pinagsa-saksak umano ng grupo ni Maramot ang mga biktima.
Nahaharap na si Maramot sa kasong murder, habang tiniyak naman ng pulisya na patuloy pa rin ang paghahanap nila sa iba pang mga kasabwat nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.