Bilang ng nasawi sanhi ng baha sa Malaysia, umakyat na sa pito

By Justinne Punsalang November 07, 2017 - 01:33 AM

 

Pitong na ang namamatay habang libu-libo naman ang nagsilikas dahil umabot na sa apat na metro ang lalim ng baha sa Penang Island sa Malaysia.

Lima sa mga namatay na biktima ay nakilala na, habang nananatiling walang pagkakakilanlan ang dalawang iba pa.

Samantala, nawawala naman ang isang residente sa lugar na si Bukit Tambun.

Sa huling tala ng pamahalaan ng Malaysia, 3,500 ang lumikas mula sa Penang at 2,000 katao naman ang lumikas rin mula sa kalapit na isla ng Kedah.

Ayon kay Penang Chief Minister Lim Guan Eng, mas lumala pa ang sitwasyon sa Penang dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig baha at malakas na hangin sa lugar.

Bagaman kritikal ang kundisyon sa isla ng Penang ay sinabi naman ni Lim na hindi kinakailangang magdeklara ng state of emergency batay na rin sa kanilang pakikipagpulong sa pamahalaan.

Ayon naman kay Malaysian Prime Minister Najib Razak, magbibigay ng ayuda ang pamahalaan ng Malaysia sa Penang, bagaman ito ay pinamamahalaan ng oposisyon.

Ang naturang pagbaha sa Penang ay itinuturing ngayon na worst flooding sa Malaysia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.