DND, nakabantay sa bagong dredging vessel ng China
Kinumpirma ng Department of National Defense na kanilang minomonitor ang kilos ng pinakabago at pinakamalaking dredging vessel ng China.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, natanggap na nila ang ulat na pinasinayaan na kamakailan ang naturang dredging vessel ngunit sa ngayon ay hindi pa nila batid kung saan ito idedestino.
Aminado si Lorenzana na magiging isang ‘cause for concern’ para sa Pilipinas kung ipapadala ang dredger ng China sa West Philippines Sea.
Sa ngayon aniya, nakaalerto ang lahat ng kanilang puwersa sa mga isla sa West Philippines Sea na okupado ng Pilipinas.
Kung sakaling ipadala aniya ang naturang dredger sa lugar, ay agad nila itong malalaman.
Ang Tian Kun Hao, na sinlaki ng siyam na basketball court ay isinasalang na sa water testing sa bayan ng Jiangsu sa China.
Pangamba ng ilang grupo, idedestino ang naturang dredger sa South China Sea upang magsagawa ng paghuhukay sa naturang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.