18 high-end na sasakyan, naharang ng BOC

 

Labing-walong magagarang sasakyan na nagkakahalaga ng 107 na milyong piso ang nasabat ng mga kagawad ng Bureau of Customs (BOC).

Ang mga nasabing luxury vehicle ay magkakahiwalay na dumating sa Manila International Container Port noong Oktubre 13-16.

Kabilang dito ang 12 Toyota Land Cruiser, 3 Range Rover, 2 Chevrolet Camaro at isang Mclaren Supercar na pinakalatest na modelo.

Kinumpiska ang mga ito dahil sa undervaluation at kakulangan ng documentary requirement mula sa Bureau of Internal Revenue.

Ayon kay Customs Chief Isidro Lapeña, ito ay tahasang paglabag sa alituntunin ng BOC sa importasyon dahil alam ng mga trader kung ano ang mga kailangan para makapagpasok ng luxury vehicle sa bansa.

Dahil dito, nagbabala si Lapeña na huwag lumabag sa custom laws kung ayaw nitong managot sa batas.

Read more...