UST admin, posibleng may kapabayaan rin sa Atio case-Lacson

By Ruel Perez November 07, 2017 - 12:19 AM

 

Maari umanong madamay sa kaso ng pagkamatay ng UST Law freshman student na si Horacio Atio Castillo III ang pamunuan ng University of Santo Tomas (UST).

Ayon kay senate committee on public order and dangerous drugs chairman Sen. Ping Lacson, mahaharap sa kasong negligence ang UST lalo at lumilitaw sa pagdinig na paso na pala o lampas na sa itinakdang deadline para magsumite ng mga dokumento for accreditation ang Aegis Juris Fraternity pero tinanggap pa ito ng OSA o Office of Student Affairs.

Sa naging pagtatanong ng mga senador kay OSA Director Ma. Socorro Guan Hing, lumilitaw na June 30, 2017 ang itinakdang deadline ng OSA para magsumite ng mga dokumento pero July 12 na nagsumite ang AJF na tinanggap naman ng OSA.

Naniniwala ang mga miembro ng komite na hindi sana mangyayari ang pagkamatay ni Atio sa kamay ng mga miyembro ng Aegis Juris kung hindi tinanggap ng UST ang mga papeles nito.

Ito anila ang naging daan para mmakasali ito sa isinagawang freshmen orientation ng UST Faculty of Civil Law na inorganisa ng UST Law Student Council.

Samantala, nais pagpaliwanagin ni Sen. Grace Poe ang rector ng UST kaugnay sa kaso ng pagkamatay ni Atio Castillo.

Sinabi ni Poe na hihingin nila ang paliwanag ng kasalukuyang rector ng UST na siya umano’y immediate superior ni UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina at ng Office of Student Affairs na pinangungunahan ni Director Ma. Socorro Guan Hing.

Ayon sa website ng UST, kasalukuyang rector si Fr. Herminio Dagohoy.

Gustong maliwanagan ni Sen. Poe ano ang naging mga hakbang ng pamunuan ng University of Santo Tomas sa imbestigasyon kung meron man, kaugnay sa pagkamatay ni Atio.

Maliban dito, naguguluhan din ang mga senador sa naging testimonya nina Divina at Guan Hing kaugnay sa accreditation ng mga organisasyon at mga fraternity sa buong UST.

Kumbinsido kasi ang mga senador na hindi sana napatay si Atio kung napigilan ang Aegis Juris na makapag recruit sa isinagawang freshmen orientation ng UST Law na dinaluhan ng hindi naman pala accredited at kinikilalang grupo na Aegis Juris Fraternity.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.