Pagtatayo ng dagdag na kulungan, isusulong ng BJMP at QC sa Kongreso

By Angellic Jordan November 07, 2017 - 12:09 AM

 

Hinikayat ng Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP) ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at pamahalaang lokal ng Quezon City na suportahan ang mga proyektong pagsasagawa ng karagdagang kulungan sa bansa.

Ayon kay QC Jail Warden Supt. Ermilito Moral, kinakailangan ng mas malaking kulungan para magkasya ang mahigit 3,000 bilanggo.

Sa ngayon kasi, aabot na sa 3,400 ang kasalukuyang nakakulong sa QC Jail na orihinal na ginawa para lang sa 700 bilanggo.

Paliwanag ng opisyal, nagiging karaniwang sanhi ng mga riot o kaguluhan at hindi pagkakaunawaan ng apat na grupo tulad ng Bahala Na Gang, Batang City Jail, Sputnik at Sige-sige ang masikip na pasilidad.

Pag-aamin pa nito, nahihirapan din sila sa pagtigil ng mga riot dahil punung-puno ang mga kulungan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.