DFA: Walang Pinoy na namatay o nasaktan sa Texas mass shooting

By Angellic Jordan November 06, 2017 - 08:15 PM

(AP Photo/Darren Abate)

Walang nadamay na Pinoy sa naganap na mass shooting sa San Antonio, Texas.

Ayon sa Philippine Consulate sa Los Angeles, walang namatay o nasugatan sa 7,400 Pilipino na naninirahan sa lugar.

Sinabi ni Consul General Adelio Angelito Cruz na naglakad ang gunman sa loob ng First Baptist Church bandang 11:00 AM at biglang binaril ang mga tao gamit ang dalang rifle.

Agad naman aniyang umalis ang suspek na nakilalang si Devin Patrick Kelley na isang dating Air Force personnel sa simbahan at kalaunan ay natagpuang patay sa loob ng kaniyang sasakyan.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa tinaguriang pinakamalaking mass shooting incident sa lugar.

Samantala, nagparating naman ng pakikiramay ang Pilipinas sa pagkamatay ng 26 katao at sa 546 na sugatan sa naturang insidente.

TAGS: DFA, Philippine Consulate, texas mass shooting, DFA, Philippine Consulate, texas mass shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.