Pumatay at nagnakaw sa sasakyan ng Grab driver kilala na

Pinangalanan na ng Pasay City Police ang prime suspect sa pagkamatay ng Grab driver na si Gerardo “Junjie” Maquidato Jr.

Nakilala ang suspek na si Narc Tulod Delemios o mas kilala bilang Miko o Real Nikolo Delemios.

Maliban sa pagpatay sa Garb driver, mayroon pang pending na warrant of arrest sa kasong murder ang suspek na inisyu ng Parañaque City Regional Trial Court noong February 3, 2015.

Sa ngayon, inilunsad na ang manhunt para hanapin si Delemios.

Matatandaang napatay si Maquidato ng suspek na nag-book at sumakay bilang regular na pasahero ng Grab noong October 26.

Read more...